Categories: Aklan News

MOTORISTANG BUMANGGA SA KAHOY, PATAY

Tangalan – Patay na nang matagpuan bandang ala 1:30 kaninang madaling araw ang isang lalaking nagmomotorsiklo sa Lanipga, Tangalan matapos bumangga sa kahoy at mahulog sa sapa.

Kinilala ng Tangalan PNP ang biktimang si Elizer Panagsagan, 62 anyos, walang asawa, at residente ng Rigador, Ibajay.

Base sa imbestigasyon ng Tangalan PNP, umuwi galing sa lamay ng kapamilya ang biktima kahit hindi pinayagan ng ilang kasama, dahil lasing na ito at magmamaneho pa ng motorsiklo.

Subalit nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ang biktima pagdating sa kurbadang kalsada, bumangga sa kahoy at nahulog deretso sa sapa doon.

Base pa sa imbestigasyon, mismong ang dating kagawad ng Lanipga na si Paulo Piano ang nakakita sa biktima at siya ring tumawag sa mga otoridad.

Sinasabing nagising na lamang ang kagawad nang marinig na tila may kung anong bumangga sa kahoy, rason na kaagad niya itong inilawan ng flashlight.

Subalit maulan umano noon, kung kaya’t pinatila na lamang nito ang ulan, at inilawang muli ang lugar, at doon unang nakita ang motorsiklo.

Doon na rin umano nito kinalaunan nakita ang biktimang nakasubsob sa sapa at ‘bloated’ o lumubo na ang tiyan.

Kaagad naman itong nagpasaklolo upang madala sa kalsada ang biktima na wala nang buhay.

Ayon pa sa Tangalan PNP, kumbinsido naman ang kapatid ng biktima na aksidente ang nangyari.

Share
Malbert Dalida

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

3 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

3 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

3 days ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

6 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

1 week ago