Connect with us

Aklan News

MOTORISTA SUGATAN MATAPOS MABANGGA NG TRUCK

Published

on

Kalibo – Sugatan ang isang rider ng motorsiklo matapos mabangga ng trak alas 10:50 kaninang tanghali sa harap mismo ng Desposorio M. Maagma Sr. Pavement sa Tigayon, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Noli Barrientos, 49 anyos ng Bulwang, Numancia, habang nakilala naman ang driver ng trak na si Rolando Taay, 49 anyos ng Almanza Dos, Las Piñas City.


Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, galing sa direksyon ng Kalibo ang motorsiklo at nagmenor ng takbo para lumiko sana pakaliwa sa J. Gerardo Road subalit aksidenteng nabangga ng sumusunod na trak.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon umano sa loob ng pavement ang motorsiklo, habang muntik pa umanong masagasaan ng trak ang biktima.

Sa tinamong sugat at pinsala sa katawan, kaagad isinugod sa pribadong ospital ang biktima, habang kasalukuyang nasa kustodiya ng Kalibo PNP ang kanyang motor, ang trak at driver nitong si Taay para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *