Categories: Aklan News

Motorista patay matapos makabangaan ang nakasalubong na motorsiklo

Malinao – Patay ang isang motorista matapos maaksidente sa kanyang minamanehong motorsiklo mga dakong alas 7:30 kagabi sa Brgy Banay-banay, Malinao, Aklan.

Nakilala ang biktimang si Victorino Ibutnande, 38 anyos at residente ng Brgy. Liloan, Malinao.

Ayon kay PEMSgt. Michael Inaudito ng Malinao PNP na habang nagmamaneho ng motorsiklo si Ibutnande papuntang Poblacion, Malinao, nakabanggaan nito ang kasalubong na motorsiklo na minamaneho naman ni Cris Villaresto, 25 anyos na pauwi naman sa Brgy. Liloan, Malinao.

Dahil sa lakas ng impact ay nagtamo ng sugat ang mga biktima at kaagad dinala sa ospital ng MDRRMO at BFP Malinao.

Pero idineklara ang biktimang dead-on-arrival sa ospital.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon Ng Malinao pnp sa nasabing insidente.

Share
Reynald Bandiola

Program/Beat: Reporter/Boracay Years/background in Media works: 10 years Why chose this profession: Passion Principle in life: “Do what You Love...

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

3 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

3 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

3 days ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

7 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

1 week ago