Connect with us

Aklan News

Motorista, patay matapos mabangga ng ambulansya

Published

on

Photo courtesy↑ Jun Cabesilla/Radyo Todo Aklan

Makato, Aklan – Dead-on-arrival sa ospital ang isang motorista matapos mabangga ng ambulansya ng Malay sa national highway ng Makato alas 8:00 kagabi.

Nakilala ang biktimang si Jorge Igcacencia, 39 anyos, residente ng Brgy. Mantiguib, Makato.


Samantala nakilala naman ng driver ng ambulansya na si Doroteo Estilloso, 55 anyos at residente ng Brgy. Cubay Norte, Malay.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Makato PNP na nasa impluwensya ng alak ang biktima galing sa So. Ilaya, Mantiguib habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo papuntang So. Centro, Mantiguib.

Hindi umano ito nakapag-preno at dumiretso ito sa gitna ng kalsada na sakto namang pagdating ng ambulansya na may sakay na pasyenteng dadalhin sa ospital.

Sa lakas ng pagkakabangga tumilapon ang biktima sa salamin ng ambulansya at nakaladkad pa umano ito.

Kaagad namang nirespondihan ng Makato MDRRMO ang biktima subalit patay na ito ng dumating sa hospital matapos magtamo ng pinsala sa ulo at sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Samantala, hinatid pa umano ng suspek ang kargang pasyente sa hospital bago sumuko sa Makato police station.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *