Connect with us

Aklan News

MOTORISTA, nahulihan ng baril sa One Time Big Time checkpoint ng HPG

Published

on

Nahulihan ng baril sa One Time Big Time checkpoint ng Highway Patrol Group sa may Roxas Avenue, Kalibo ang isang 53 anyos na motorista dakong alas 10 kaninang umaga.

Kinilala ang rider na si Rod Dela Cruz, residente ng N. Roldan St., Kalibo.

Nakuha sa kanyang minamanehong motor ang isang kalibre 45 na may model STI Tactical at isang magazine na may lamang 11 live ammunitions na walang mga kaukulang dokomento.

Si Dela Cruz ay pinara ng mga kawani ng HPG at hinanapan ng OR at CR ng minamanehong motorsiklo ngunit wala itong naipakita kayat pinabuksan sa kanya ang U-box at doon nakita ang baril.

Agad na ikinudtodiya sa himpilan ng Kalibo Police Station si Dela Cruz para habang inihahanda ng taga HPG ang pagsampa ng kasong Illegal Possession of Firearm and Ammunition.