Connect with us

Aklan News

Motorista, bumangga sa 10-wheeler truck, patay

Published

on

By

Dead on arrival sa Aklan Provincial Hospital ang 35 anyos na lalaki matapos aksidenteng bumangga ang sinasakyan nitong motorsiklo sa 10-wheeler truck alas 8:30 kagabi sa Brgy. Linabuan Norte, Kalibo.
Nakilala ang biktimang si Armil Quilap, 35 anyos, residente rin ng nasabing lugar habang ang driver naman ng truck ay kinilalang si Jason Jutar, 28 anyos ng Negros Occidental.
Sa nakuhang impormasyon ng Radyo TODO, pauwi na umano ang biktima galing Kalibo nang aksidenteng lumusot ang gulong ng motorsiklo nito sa lubak dahilan upang mawalan ito ng kontrol.
Napunta ang minamaneho nitong motorsiklo sa kabilang bahagi ng kalsada at aksidenteng bumangga sa kasalubong na truck na galing Iloilo.
Malalang pinsala sa ulo ang natamo ng biktima na dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.