Connect with us

Aklan News

MOTOR NABUNDOL NG TOPDOWN, 1 SUGATAN

Published

on

Isa ang sugatan matapos mabangga ng topdown ang isang motorsiklo alas 8:25 kaninang umaga sa Poblacion, Nabas.

Nakilala ang biktimang rider ng motorsiklo na si Alexis Gumboc, 44 anyos ng Gibon, Nabas, habang ang driver naman ng topdown ay si Raffy Balidio, 32 anyos ng Buenafortuna, Nabas.


Base sa imbestisgasyon ng Nabas PNP, nag-overtake ang motorsiklo sa topwdown, subalit aksidente umano itong nabangga ng huli nang mag menor naman ang motorsiklo pagdating sa pedestrian lane sa harap ng elementary school.

Dahil dito, sumemplang ang motorsiklo at nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktima na unang dinala sa Ibajay District Hospital, at inilipat kinalaunan sa pribadong ospital sa Kalibo matapos umano siyang dumaing ng sakit sa katawan.

Samantala, sinabi naman ng Nabas PNP na nagkaareglo bandang alas 2:00 kaninang hapon ang magkabilang panig kung kaya’t pinalaya mula sa kanilang kustodiya ang driver ng topdown.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *