Connect with us

Aklan News

MOTOR BUMANGGA SA KAHOY, 2 PATAY

Published

on

Ibajay – Dalawa ang patay matapos bumangga sa kahoy ang isang motorsiklo bandang alas 11:30 kahapon ng tanghali sa Rigador, Ibajay.

Nakilala ang mga biktimang sina Joey Bangcaya, 32 anyos, driver ng motorsiklo, at ang angkas nitong si Rustom Valejo, 23 anyos, kapwa residente ng Aparicio, Ibajay.


Base sa imbestigasyon ng Ibajay PNP, nagmomotorsiklo pauwi galing sa pangunguha ng lamang-dagat sa Jawili, Tangalan ang dalawa nang mawalan umano ng preno ang sinasakyan nilang motoriklo pagdating sa pababa-pataas na kurbadang kalsada.

Kasunod nito, aksidente silang bumangga sa kahoy na Mahogany at kapwa nagtamo ng malubhang pinsala sa katawan.

Kapwa sila dinala sa ospital, subalit dead on arrival si Bangcaya, habang alas 3:30 naman kahapon ng hapon nang bawian ng buhay si Valejo habang ginagamot.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *