Connect with us

Aklan News

Mister, natagpuan ng kanyang misis na wala ng buhay sa sapa

Published

on

By

Photo: Google

Natagpuan ng isang misis na nakahandusay at wala ng buhay ang kanyang mister sa sapa sa may likod ng kanilang bahay sa Brgy. Sibalew, Banga.

Kinilala ang biktimang si Jhony Zonio, 51 anyos, residente ng nasabing lugar.

Batay sa Banga PNP, huling nakitang buhay ang biktima matapos itong magdala ng pananghalian ng kanyang misis na nasa palayan.

Ngunit pasado alas-6:00 kagabi nang umuwi ang misis sa kanilang bahay ay hindi niya mahagilap ang kanyang mister.

Hinanap niya ito at natagpuang wala ng buhay sa may likod ng kanilang bahay.

Pinaniniwalaan na nadulas ang biktima at nakuryente sa kanyang ginamit na pangkuryente sa isda na direktang nakakonekta sa linya ng kanilang bahay.

Natagpuan din sa lugar ang extension na ginamit ng biktima.