Connect with us

Aklan News

MISTER, ARESTADO MATAPOS MALAMANG HINDI SUICIDE KUNDI SUGAT SA ULO ANG IKINAMATAY NG ASAWA

Published

on

Sasampahan umano ng kasong Homicide ang isang mister matapos malamang hindi suicide kundi sugat sa ulo ang ikinamatay ng kanyang asawa.

Ayon sa Malinao PNP, dinala pa mismo ng mister ang kanyang 22 anyos na misis sa ospital kahapon ng madaling araw nang mapansing bumubula ng dugo ang ilong at bunganga nito, sa pag-aakalang uminom ito ng lason.

Idineklarang dead on arrival ng doktor ang misis, dahilan na ipinagbigay-alam din ito ng mister sa pamilya ng misis.

Subali’t ipina-autopsy umano ng mismong pamilya ng misis ang bangkay ng babae nang malamang may sugat ito sa ulo.

Samantala, kaagad ding nagsagawa ng imbestigasyon ang Malinao PNP simula kahapon ng umaga kung saan nabatid na nag-away pala ang mag-asawa, dakong alas 11:00 ng Linggo ng gabi, kung saan narinig din umano ng kanilang mga kapit-bahay ang kanilang sigawan at mga pagkalabog.

Lumalabas pa sa imbestigasyon na nasaktan ng mister ang misis subali’t hindi umano nito alam na tumumba ang misis at tumama sa kung saan ang ulo nito sa kadahilanang madilim at walang kuryente sa kanilang bahay.

Sa kabila nito, napag-alamang magkatabi paring natulog ang dalawa kahit nag-away, kung saan doon narin umano naramdaman ni mister na tila nahirapan na sa paghinga ang asawa.

Advertisement

Ayon pa sa Malinao PNP, doon na rin inaresto ang mister sa puneraryang pinagdalhan sa misis.

Kasalukuyang nakakustodiya sa Malinao PNP Station ang mister na tumangging magbigay ng pahayag kaugnay sa insidente.