Categories: Aklan News

MISIS, SINAKSAK SA LALAMUNAN NI MISTER, PATAY

Dead on arrival sa ospital ang isang misis matapos saksakin sa lalamunan ng sariling mister bandang alas 10:00 kaninang umaga sa Ati Village, Bulwang, Numancia.

Nakilala ang biktimang si Lovely Suarez, 37 anyos, habang nakikala naman ang suspek na kanyang mister na si Andres Suarez, 39 anyos ng Dueñas, Iloilo.

Base sa imbestigasyon ng pulis, alas 8:00 pa lamang kaninang umaga nang mag-inuman ang dalawa sa bahay ng kanilang tiyuhin.

Bandang alas 10:00 naman umano nang magtalo ang dalawa matapos magbiro ang misis sa mister na merun itong ibang lalaki, rason na bumunot ito ng patalim at sinaksak sa lalamunan ang misis.

Isinugod pa sana sa ospital ang biktima subali’t hindi na ito umabot ng buhay, habang arestado naman at nasa kostodiya ng Numancia PNP ang suspek para sa karampatang disposisyon.

Samantala, sinabi naman ng mister na tinutukan lamang niya ng kutsilo sa leeg ang kanyang misis, subali’t tinapik umano ng biktima ang kanyang kamay rason na bumaon ang kutsilyo sa kanyang lalamunan.

Share
Malbert Dalida

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

21 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

2 days ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

2 days ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

6 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

6 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

6 days ago