Connect with us

Aklan News

MISIS PINALAKOL NG KANYANG MISTER

Published

on

makikita sa larawan ang 68-anyos na suspek habang nasa kustodiya ng Malay PNP.

Boracay – Nawalan ng Malay ang isang misis matapos hampasin ng palakol ng kanya mismong mister kaninang umaga.

Nangyarinang insidente sa Sitio Cabanbanan, Brgy. Manocmanoc, Boracay


Base sa imbestigasyon, na habang nagluluto ng almusal ang 66-anyos na biktima ay lumapit ang suspek na isang 68-anyos at nagbitaw ng mga masasamang salita kung saan sinabihan ito ng biktima na tama na,.

Bigla na lamang umanong kinuha ng suspek ang palakol at hinampas ang biktima sa likod ng kanyang ulo dahilan na matumba ang biktima at nawalan ng malay na kaagad naman isinugod Sa hospital ng kanyang pamilya.

Naaresto naman ng mga rumispondeng pulis ang suspek at kasalukuyang nakakulong sa Malay PNP sa isla ng Boracay na nakatakda namang sampahan ng kasong Frustrated Homicide