Connect with us

Aklan News

Misis na nagbi-videoke kinarit sa leeg, suspek patay sa ganti ng mister

Published

on

By

PATAY ang isang suspek sa pagkarit sa leeg ng isang misis sa Brgy. Agbago, Ibajay makaraang gantihan ng mister.

Kinilala ang nasawing si Meleboy Saldon, 30 anyos ng Agbago, Ibajay.

Sabado ng gabi nang mangyari ang insidente habang nagbi-videoke ang misis na si Lucille Tolores, 37 anyos, kasama ang isang 14-anyos na batang babae.

Bigla na lamang umano na dumating si Saldon at kinarit ang leeg ng misis.

Nakatakas ang misis mula sa suspek pero ang mister naman nitong si Niel Napico, 44 anyos ang kinarit ng suspek sa leeg at ulo.

Gumanti naman ang mister at pinagtataga ang suspek sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Pagkatapos ay dumiretso ito sa ospital at iniwang naliligo sa sariling dugo si Saldon na kalaunan ay idineklarang patay ng doktor sa Ibajay District Hospital.

Kasalukuyang naka-hospital arrest ang nabanggit na mister sa Aklan Provincial Hospital.