Connect with us

Aklan News

MGA QUARRY OPERATION SA BAYAN NG MALINAO, LEHITIMO AYON KAY MAYOR EQUIÑA

Published

on

Ipinasiguro ni Malinao Mayor Josephine Equiña na lehitimo ang mga nagsasagawa ng quarry operation sa bayan ng Malinao.

Paglilinaw ito ni Equiña sa Radyo Todo kasunod ng ipinaabot na reklamo ng mga mamamayan ng barangay Kinalangay Nuevo, Malinao laban sa paso na umanong permit ng quarry operation ni Engr. Jency Inolino.


Todo Media Magazine

Aniya, simula ng maupo siya bilang alkalde na nasabing bayan ay dalawa lamang ang alam niyang lehitimong nagsasagawa ng quarry operation sa kanilang bayan at nakakatiyak siyang nagre-renew ang mga ito taun-taon ng kanilang permit.

Naniniwala naman si Equiña sa sinabi ni Brgy. Captain Arlene Infante dahil ito mismo ang nangangasiwa sa kanilang barangay at may obligasyon dito.

Samantala, ipinasiguro ng alkalde na biberipikahin nila ang tungkol sa sinasabing ‘expired’ permit ni Engr. Inolino sa kanyang quarry operation.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.