Connect with us

Aklan News

MENOR DE EDAD BIKTIMA NG ACCIDENTAL FIRING

Published

on

IVISAN, Capiz – Isang sampung taong gulang ang aksidenteng nabaril ng kapwa nitong sampung taong gulang din na menor de edad dito sa Brgy. Basiao, kaninang alas 2:00 ng madaling araw.

Sa resulta ng imbestigasyon ng mga kapulisan ng Ivisan Police Station, lumalabas na nakita ng dalawang menor de edad ang isang .22 caliber revolver sa harap ng isang tindahan sa nasabing lugar.


Dinala ng dalawang magkaibigang menor de edad ang nasabing nakitang armas sa may pier o daungan ng mga bangka at doon pinaglaruan na parang ‘Russian Rollet.’

Dagdag pa sa imbestigasyon ng mga kapulisan na nilagyan ng mga bata ng isang bala ang armas at pinitik ang gatilyo nito. Nang hindi pumutok ang armas sa unang pagpitik ng gatilyo, pinaikot nila ang chamber ng pistola at pinitik na naman ng ikalawang bata na aksidente namang pumutok at tinamaan sa kaliwang pisngi ang isa sa kanila tagos ang bala sa balikat nito.

Habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy na ginagamot sa pagamutan ang biktima at isinailalim ito sa operasyon upang kunin ang bala sa kanyang balikat.

Program/Beat: TODO Komentaryo Years/background in Media works: 27 yearsWhy chose this profession: IT’S MY PASSION. Principle in life: EVERYTHING CAN BE LEARNED. CONTINUE LEARNING WHILE STILL LIVING.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *