Categories: Aklan News

“MEDICINE CAN HEAL BUT IT CAN ALSO KILL” – AKLAN PHARMACIST ASSOC.

“Medicine can heal but it can also kill.”

Ito ang paalala ni Mellisa Dela Cruz, presidente ng Philippine Pharmacist Association-Aklan Chapter kaugnay sa pagbili ng mga over-the-counter (OTC) na mga gamot sa mga sari-sari-store sa lalawigan ng Aklan.

Ayon kay Dela Cruz, pabor aniya sila sa naging anunsyo ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kahapon, Pebrero 17 na inaatasan nito ang mga Local Government Units (LGUs) na pagtibayin ang ordinansang nagbabawal sa pagbebenta ng mga gamot sa mga sari-sari stores.

Pahayag pa nito na nakakatulong sana ang pagbebenta ng mga OTC drugs sa mga sari-sari store lalo na sa mga mamamayang malayo sa bayan kung saan naroroon ang mga botika.

Subalit kung pagbabatayan umano ang Republic Act 10918 o Pharmacy Law ito ay hindi tama.

Saad pa ni Dela Cruz na buhay ng tao ang nakasasalay sa usaping ito dahil hindi natin alam kung lehitimo o peke ang mga gamot na ibinebenta o nabibili sa mga sari-sari store.

Aniya pa, hindi ito biro at puwedeng itong ikamatay ng sinuman kung mali ang pag-inom o kapag nasobrahan nang inom sa mga walang resitang gamot.

Dagdag pa ni Dela Cruz, sa pamamagitan nito ay masasawata rin ang paglaganap ng mga pekeng gamot na ibinebenta sa mga maliliit na retail stores.

Kaugnay nito, hinimok ni Dela Cruz sa mga lokal na pamahalaan na kung maaari ay sundin ang mandato ni Sec. Año para sa kaligtasan ng bawat mamamayan.

Samantala, nanawagan si Dela Cruz sa mga sari-sari stores owners na isipin ang kaligtasan ng kanilang mga mamimili dahil kung ano umano ang mangyari sa mga ito ay sila ang babalikan at sisisihin.

Binigyan-diin naman nito na may isang sari-sari store owner dito sa Aklan na nagbebenta ng gamot ang nakabili ng peke kung saan kaagad niya itong inimbestigahan at ini-report sa FDA Region 6 para sa kaukulang aksyon.

Share
Sarlyn Joy Maloloy-on

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

18 hours ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

18 hours ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

18 hours ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

4 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

6 days ago