Connect with us

Aklan News

BRGY. KAPITAN, NAILIGTAS SA TANGKANG PAGPAPAKAMATAY

Published

on

“May purpose pa ang Panginoon sa akin kaya hindi ako natuluyan.”

Ito ang matapang na pahayag ni Brgy. Capt. Dindo Muyo sa exclusive na interview ng Radyo Todo may kaugnayan sa pagtangka niyang pagpapakamatay kahapon sa pamamagitan ng pag-inom ng lason.


Sobrang stress sa trabaho at mga negatibong reaksyon sa kabila ng mga magagandang ginagawa niya ang ilan sa mga sinabing dahilan ni kapitan sa kanyang pagpapatiwakal.

Subalit, itinuturing niya itong leksyon sa kanyang buhay na hindi umano solusyon ang pagpapakamatay sa problema kundi dapat itong harapin.

Dito rin niya umano nalaman kung sino ang mga taong totoong nagmamahal at nag-aalala sa kanya.

Nangyari ang insidente kahapon mga ala-una ng hapon sa isang resort sa Brgy. Jawili, Tangalan kung saan umukupa umano siya ng isang kwarto dala na ang lason na binili din mismo sa Brgy. Jawili.

Nakapag video call pa umano siya sa kanyang barkada at dating guro pagkatapos inumin ang lason dahilan upang ma rescue siya ng mga ito.

Nagpapagaling na ngayon sa isang pribadong ospital si Kapitan Muyo at pagkatapos ng dalawang linggo ay babalik na siya sa trabaho.

Program/Beat: Anchorman of Todo Latigo program, 5am to 7:30am, Mon to Sat. Years/background in Media works: 22 years member of the Aklan Media.Why chose this profession: It's a calling. It's my passion.Principle in life: Your success is directly proportional to the number of lives you have touched for the better.