Connect with us

Aklan News

MALINAO SCHOOL FOR PHILIPPINE CRAFTSMEN AT BANGA ELEMENTARY SCHOOL, KABILANG SA 17 PAMPUBLIKONG ESKWELAHAN SA WESTERN VISAYAS NA PAPAYAGAN NANG MAG F2F CLASSES

Published

on

By

Image: Department of Education/Facebook

Nagdagdag ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at Kagawaran ng Kalusugan (DOH) ng listahan ng mga paaralan na papayagan na makapag-face-to-face classes.

Dalawa sa 177 dagdag na pampublikong paaralan na makikilahok dito ay mula sa Aklan, ang Malinao School for Philippine Craftsmen at Banga Elementary School.


Todo Media Magazine

Batay sa DepEd, ang mga bagong paaralan na lalahok sa pilot run ay pumasa sa iba’t ibang safety assessment na isinagawa nila at ng DOH.

Buo ngayon ang kumpiyansa ng Kagawaran na magiging posible na ang pagpapalawak ng F2F classes sa suusnod na taon dahil naging matagumpay at maganda ang takbo ng pilot run sa mga naunang paaralan.

Magugunitang unang pinayagan ng DepEd ang Laserna Integrated School sa Nabas na magkaroon ng F2F classes na nagsimula noong Oktubre 15.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.