Connect with us

Aklan News

MALIIT NA OPISINA AT MINIMUM HEALTH STANDARD PROTOCOLS, DAHILAN KUNG BAKIT SIKSIKAN SA LABAS NG OPISINA NG BIR ANG KANILANG MGA KLIYENTE.

Published

on

Maliit na opisina at ang ipinapatupad na minimum health standard protocols ng National IATF on Emerging Infectious Diseases ang dahilan kung bakit siksikan, nabibilad sa araw at nababasa sa ulan ang mga kliyente ng Bureau of internal Revenue sa labas ng kanilang tanggapan sa bayan ng Kalibo.

Ito ang naging pahayag ni Assistant Revenue District Officer Lisa Borja ng BIR- Aklan.

Ayon kay Borja, karamihan sa kanilang mga kliyente ay mga Job Order employees ng mga local government unit na kailangan mag rehistro muna sa BIR bago makapag renew ng kanilang mga kontrata.

Nag umpisa anya ang ganitong problema ng mag umpisang manalasa ang covid-19 noong March 2020 kung saan nagpatupad din ang pamahalaan ng minimum health standard protocols kasama ang physical distancing.

Dagdag pa ni Borja na anim na katao lamang ang kayang tanggapin ng sabay-sabay ng kanilang tanggapan kaya’t kinakailangang mag hintay sa labas ang ibang mga kliyente.

Samantala ang problemang ito ay mabibigyang lunas na dahil sa ipinatayong bagong opisina ng BIR sa Oyo torong st. Kalibo kung saan may malawak na espasyo para sa waiting at receiving area.

Ayon pa kay Borja kahit wala pang internet connection ang kanilang bagong opisina ay magsisimula na itong tatanggap ng mga kliyente sa araw ng Lunes, January 31.

Humihingi naman ng paumanhin at pang-unawa ang pamunuan ng BIR Revenue District 71 dahil sa mga naranasang abala ng kanilang mga kliyente.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *