Connect with us

Aklan News

Malay SB members, nais ipasara ang mga borders ng munisipalidad dahil sa local transmission

Published

on

ISINUSULONG ng Sangguniang Bayan ng Malay ang pagpapasara ng mga borders ng munisipalidad matapos makapagtala ang Aklan ng mga kaso ng local transmissions.

Sa kanilang 28th Regular Session kahapon ipinasa ang Resolution No. 149 o “Resolution Urging the Acting Municipal Mayor Frolibar S. Bautista to Temporarily Close the Borders of the Municipality of Malay Amid the Recently Declared Local Transmission of COVID-19 in the Province of Aklan.


Nakasaad sa resolusyon na nakakaalarma ang deklarasyon ng Provincial Health Office hinggil sa unang kaso ng local transmission.

Kaya giit ng August body na kailangan na i-isolate ang mga Malaynons para maiwasan ang local transmission dahil lubos na maaapektuhan nito ang turismo ng Boracay.

Hinihintay pa sa ngayon ang tugon ni Mayor Frolibar Baustista ukol sa naturang resolusyon.

Nitong linggo, unang naitala ang kaso ng local transmission sa Aklan mula sa 7 lab personnel ng Aklan Provincial Hospital.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *