Connect with us

Aklan News

LIGA NG MGA BARANGAY PRESIDENT TOLOSA UMAPILA SA MARINA NA IPAGPALIBAN MUNA ANG PAG PHASE-OUT NG MOTORBANCA

Published

on

Umapela ngayon si Liga ng mga Barangay President Ralf Tolosa na ipagpaliban muna ang pag phase out ng mga Motor Bangkang di-katig na bumayahe ng Caticlan Boracay vice-versa at bigyan pa ito ng extension hanggang 2022.

Sa isang urgent resolution na inihain ni Tolosa sa isinagawang session ng Sangguniang Bayan ng Malay kung saan umapela ito sa Marina Region 6 na huwag na munang ipatupad ang nakatakda nilang pag phase out ng mga motorbanca sa darating na Dec. 31, 2020.


Basi Kasi sa ipinalabas na Memorandum order ng Marina na hanggang katapusan lamang ng Disyembre ngayong taon papayagan ang mga bangkang di-katig at papalitan na ito ng fastcraft.

Ayon kasi kay Tolosa na marami pa sa mga boat owners ang hindi nakapag comply sa modernization program na ipapatupad ng gobyerno dahil sa hirap ng buhay dulot ng kinakaharap na pandemya.

Aniya kawawa naman umano ang mahigit 800 daang boat crew at mga boat owners sakaling ipatupad ito sa dartating na Disyembre.

Sinuportahan naman ng mga miyembro ng Sanggnuniang Bayan ng Malay ang resolution ni Tolosa at magpapadala ng sulat sa Marina Region 6 para ipaabot ang kanyang kahilingan.

Program/Beat: Reporter/Boracay
Years/background in Media works: 10 years
Why chose this profession: Passion
Principle in life: “Do what You Love...

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *