Connect with us

Aklan News

MAKULIT NA LASING, SINAKSAK NG 77-ANYOS NA LOLO

Published

on

Makikita sa larawan ang suspek na si Florentino

Sugatan ang isang 37 anyos na lasing matapos umanong saksakin ng 77 anyos na lolo alas 8:30 kagabi sa Cabcaban, Fulgencio Sur, Balete.

Nakilala ang biktimang si Alex Peñaflor, habang kinilala naman ng Balete PNP at ang suspek na si Florentino Sarabia, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng pulis, magkasamang nag-iinuman ang biktima at ang suspek sa iba pa nilang ka grupo nang magkatuwaan umano silang magsayawan sa loob mismo ng iniinumang bahay.

Kasunod nito, niyaya at kinukulit umano ng biktima ang suspek na sumayaw, subali’t ikinagalit naman ng huli, sabay suntok sa biktima.

Gaganti pa umano sana si Peñaflor, subali’t doon na rin siya sinaksak ng lolo sa kaliwang dibdib at kanang braso.

Kaagad dinala sa pagamutan ang biktima, habang nabatid na sumuko umano kay SB Crsipino Beltran ang suspek kung saan siya kinuha ng mga pulis at ikinostodiya para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *