Connect with us

Aklan News

MAGTIYUHIN, SUGATAN MATAPOS PAGTATAGAIN NG LASING

Published

on

Banga – Dalawa ang sugatan matapos pagtatagain ng lasing bandang alas 6:30 kagabi sa Sibalew, Banga.

Nakilala ang mga biktimang magtiyuhin na sina Jimmy Ingalla, 63 anyos at Alvin Rivera, 41 anyos, pawang residente ng nasabing lugar, at ang suspek na si Ricky Recentes, 43 anyos ng Torralba, Banga.


Base sa imbestigasyon ng pulis, tumatagay si Ingalla nang dumating ang nakainom na rin umanong sina Alvin at ang suspek na si Ricky.

Nagkumustahan umano ang magtiyuhin dahil kakarating lamang ni Alvin galing sa Maynila, hanggang sa bumili ito ng alak sa malapit na tindahan at naiwan si Jimmy at Ricky.

Di umano sinasadyang nahawakan ni Jimmy ang itak na nasa likod ng nakajacket na si Ricky, kung kaya’t sinita niya ito kung bakit may dala siyang itak.

Subalit bigla na lamang umanong binunot ng suspek ang itak at tinaga si Jimmy, na kanya namang sinangga, rason na tinamaan siya sa kaliwang siko.

Muli umano siyang tinaga ng suspek, subalit nasangga naman ng hindi kalayuang si Alvin, rason na tinamaan siya sa kanang palad.

Mabilis na nakatakbo si Jimmy, subalit nadapa ito at naabutan ng suspek at tinaga sa kanang tuhod.

Kaagad dinala ng mga taga MDRRMo ang mga biktima sa provincial hospital, habang tumakas ang suspek, subalit naaresto ng mga tanod at ipinagkatiwala sa mga dumating na pulis.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa Banga PNP station para sa karampatang disposisyon.

Ayon pa sa Banga PNP, labis ang kalasingan ng suspek kung kaya’t tila wala na umano itong maalala pagdating sa presinto.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *