Categories: Aklan News

Magsasaka, patay matapos na masaksak ng kainuman gamit ang sariling patalim

Patay ang isang magsasaka matapos na masaksak ng kanyang kainuman gamit ang kanyang sariling patalim sa Sitio Bota, Brgy. Cortes, Balete.

Kinilala ang biktimang si Junito Cuadrante, nasa legal na edad, habang suspek naman ay natukoy bilang si Francis Dominguez, 33 anyos, kapwa mga residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa paunang imbestigasyon, nag-inuman ang dalawa sa bahay ng suspek kasama ng tatlong iba pa na nauna nang nagsiuwian.

Kalaunan ay kinuha ng biktima ang kanyang patalim at sumigaw umano ng “Pamatyon ta kamo”.

Doon na nagsimulang magtalo ang dalawa hanggang sa naagaw ng suspek ang patalim sa biktima at pinagsasaksak ito sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Posibleng maharap sa kasong Homicide ang suspek na kusa namang sumuko sa pulisya at kasalukuyan nang nakakulong.

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

20 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

2 days ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

2 days ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

6 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

6 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

6 days ago