Connect with us

Aklan News

Magsasaka, arestado matapos mahulihan ng mga baril at bala sa bayan ng Madalag

Published

on

By

Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos mahulihan ng di lisensyadong mga baril sa bayan ng Madalag nitong Marso 22.

Kinilala ang suspek na si Patenio Narce a.k.a “Totong” at residente ng Sitio Buray, Barangay Medina, Madalag, Aklan.

Nakuha mula sa kanya ang dalawang homemade shutgon na walang serial number at walong mga bala.

Naaresto at nakumpiska mula kay Narce ang mga di lisensyadong armas sa pamamagitan ng bisa ng search warrant na inisyu ni Bienvenido P Barrios Jr., Executive Judge RTC Branch 3, Kalibo, Aklan.

Ang naturang operasyon ay isinagawa ng Aklan Provincial Intelegence Unit, Aklan First Mobile Force Company at Madalag PNP.

Ang suspek at ang nakumpiskang mga ebidensya ay nasa kustodiya ng Madalag PNP at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.