Connect with us

Aklan News

Magkapatid sinaksak ng basag na bote

Published

on

By

PHOTO: MDRRMO New Washington

Sugatan ang dalawang magkapatid matapos pagsasaksakin ng basag na bote nitong Sabado ng gabi sa Ochando, New Washington, Aklan.

Kinilala ang mga biktima na sina Mark Charnil Sioco at Martil Ched Sioco, kawpa sa legal na edad, habang ang suspek ay kinilalang si Ret Jasper Sioco na  residente rin ng nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng New Washington Pnp, magkasamang nag-inuman ang mga biktima at suspek sa bahay ng kanilang kaanak ngunit may namagitang diskusyon sa mga ito hanggang sa kumuha ng bote ang suspek na kanyang binasag at sinaksak sa mga biktima.

Nagtamo ng sugat sa kanilang katawan ang magkapatid na Sioco at agad dinala sa Aklan Provincial Hospital.

Habang ang suspek ay naaresto naman ng mga kapulisan.

Dating alitan ang itinuturong dahilan ng nasabing insidente.

Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek sa New Washington Pnp at sasampahan ng kasong frustrated homicide.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *