Categories: Aklan News

Mag-asawa pinagtataga, mister patay

Kalunos-lunos ang sinapit ng mag-asawa matapos silang pagtatagain ng kanilang kapitbahay kagabi sa Brgy. Janlud, Libacao.

Kinilala ang mag-asawang biktima na sina Cherry Ann Gregorio, 42, at Lorjei Gregorio, 44, mga residente ng nabanggit na barangay.

Batay sa ulat, naghahapunan ang mag-asawa at tatlo nilang anak nang pasukin sila ng suspek na si Jomar Esto at pinagtataga.

Batay sa nanay ni Cherry Ann na si Juanita Salazar, pagdating niya sa bahay ng mga ito, nadatnan niya ang mag-asawang magkatabing naliligo sa dugo.

Naabutan pa niyang humihinga si Lorjei pero kalaunana ay binawian din ito ng buhay dahil sa mga tinamo nitong tama ng pananaga sa mukha at ulo.

Isinugod naman sa ospital ang asawa nito dahil halos maputol na ang kanang kamay nito na posibleng ginamit niya para saluhin ang mga taga para maprotektahan ang kanyang mister.

Pinaghahanap pa ngayon ng mga kapulisan ang suspek na tumakas.

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

3 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

3 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

3 days ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

6 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

1 week ago