Connect with us

Aklan News

MAG ASAWA PATAY MATAPOS MABANGGA NG BUS ANG SINASAKYANG TRAYSIKEL

Published

on

Image|Credit to the rightful owner

Nabas, Aklan— Patay ang mag asawang sakay ng tricycle matapos mabangga ng nakasalubong na Ceres bus kaninang umaga sa Brgy. Union, Nabas,

Nakilala ang mag asawang biktima na sina Cesar Sadiasa, 54 anyos residente ng Brgy. Tagarorok, Nabas, at asawa nitong si Celia Sadiasa 58 anyos.


Nangyari ang insidinte mga dakong alas 10:23 kaninang umaga kung saan habang sakay sa minamanehong tricycle Ang mag asawa galing caticlan at pauwi na ng aksidinteng mabangga ito ng nakasalubong na Ceres bus

Ayon Kay PCPL Andrew Andrade ng Nabas PNP nakilala ang driver ng Ceres bus na si Dionito Gumboc, 46 anyos at residente ng Napaan, Malay.

Sa lakas umano ng impact ng pagkakabangga ay naipit ang driver ng tricycle at tumilapon naman ang kanyang asawa.

Kaagad namang dinala sa Malay District Hospital ang mga biktima ngunit unang binawian ng buhay ang biktimang si Cesar samantalang inilipat naman sa ibajay district hospital ang kanyang misis pero binawian din Ito ng buhay.

Nasa kustodiya na ng Nabas PNP Ang driver ng nasabing bus na mahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence resulting to Multiple Homicide and Damage to property.

Program/Beat: Reporter/Boracay
Years/background in Media works: 10 years
Why chose this profession: Passion
Principle in life: “Do what You Love...

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *