Connect with us

Aklan News

Mag-ama, isa pa arestado matapos magkagulo; baril, kutsilyo nasabat

Published

on

Arestado ang isang mag-ama at isa pang lalaki sa Mambusao, Capiz matapos magkagulo at mahulihan ng kutsilyo, baton at baril.

Kinilala ang mag-ama na sina Rolando, 61-anyos, at Rolly Launio, 37, habang ang isa pa ay ang nakaaway nila na si Donato Lava, 51, residente ng Brgy. Libo-o, Mambusao.


Nabatid na nagkaroon ng komosyon sa pagitan ng mag-ama at ng lalaki sa Brgy. Poblacion na ikinabahala ng mga kapitbahay dahilan para humingi sila ng saklolo sa kapulisan.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Mambusao PNP at inawat ang tatlo.

Nasabat ng kapulisan sa mag-ama ang isang kutsilyo, at ang isang baton. Habang narekober naman sa nakaaway nila ang isang .22 caliber revolver na may limang bala.

Nasa pangangalaga ngayon ng kapulisan ang tatlo habang iniimbestigahan pa ang nasabing insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *