Connect with us

Aklan News

LUMOT SA BORACAY, NATURAL TUWING SUMMER SEASON – BIARMG

Published

on

By

Nilinaw ng Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group (BIARMG) ang kumakalat na balitang marumi o hindi ligtas ang tubig sa Boracay Island.

Ayon sa opisyal na pahayag ni BIARMG General Manager Martin Jose Despi, regular na gumagawa ng water quality testing ang ang DENR-EMB Region 6  sa isla para suriin ang kalidad ng tubig.

Ayon sa opisyal na water quality report, ang coliform level sa front beach nitong Enero 2022 ay 8mpn/100ml at 11mpn/100ml naman sa Pebrero 2022.

Nangangahulugan ito na pasok ang Boracay waters sa water quality standard na 100mpn/100ml para sa swimming.

Ayon pa sa pahayag, natural lamang ang lumot sa Boracay na lumalabas sa tuwing dry season o summer period.

Pero ito ay non-toxic at walang dapat na ikabahala ang mga turistang naliligo dito.

Kaugnay nito, naobserbahan rin ng BIARMG ang presensya ng mga lumot sa karatig isla ng Boracay na Carabao Island. MAS/RT

Advertisement

<iframe src=”https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2FBIARMG%2Fposts%2F2837424943222011&show_text=true&width=500″ width=”500″ height=”194″ style=”border:none;overflow:hidden” scrolling=”no” frameborder=”0″ allowfullscreen=”true” allow=”autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share”></iframe>

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.