Connect with us

Aklan News

LSIs na uuwi sa Aklan, ‘di na kailangan ng negative RT-PCR result

Published

on

Florencio-Joeben-Tumbocon-Miraflores-photo

HINDI na hahanapan pa ng negative RT-PCR result ang mga Locally Stranded Individual (LSIs) na nais umuwi ng probinsya ng Aklan.

Base sa bagong labas na Executive Order No. 036 ni Governor Florencio Miraflores, naglabas ng guidelines ang National Task Force Against COVID-19 may kaugnayan sa DILG advisory ni Asst. Secretary Marcelo Morales na dapat ang RT-PCR test ng mga LSIs ay dapat gawin na lang pagdating sa mga LGU na kanilang uuwian bilang parte narin ng local health protocol.


Ang mga LSIs ay ang mga indibidwal na hindi na nakauwi ng kani-kanilang lugar at naabutan ng lockdown sa ibang panig ng bansa mula nang magpatupad ng quarantine guidelines noong March 15, 2020.

Simula ngayon ay hindi na hahanapan ng Negative RT-PCR result ang mga LSI pero kailangan parin nila ng Travel Authority mula sa Joint Task Force COVID shield, letter of acceptance mula sa uuwiang LGU at medical clearance certificate.

Maliban dito, kailangan pa rin nila na sumailalim sa 14-day quarantine sa isang PHO/MHO accredited na pasilidad.

Kaugnay nito, ang mga APOR o Authorized Person Outside Residence at Returning Overseas Filipino (ROFs) ay kailangan pa rin magpresenta ng Negative RT-PCR test maliban na lamang sa mga APORs na kasama sa exemption.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.