Connect with us

Aklan News

Love Boracay 2023 sa Abril 28-Mayo 1, puspusang pinaghahandaan ng LGU Malay

Published

on

By

File Photo: Radyo Todo Aklan/Mary Ann Solis

Puspusan ngayon ang ginagawang paghahanda ng LGU Malay para sa nalalapit na Love Boracay 2023.

Ayon kay Malay Mayor Frolibar Bautista, nagsagawa sila ng coordination meeting bilang bahagi ng paghahanda sa Love Boracay 2023.

Dumalo rito ang mga stakeholders ng Boracay Island, SB Member Dalidig Sumndad na Chairperson ng SB Committee on Tourism, Punong Barangay ng Balabag Jason Talapian, at ibang mga LGU Department Heads.

Napag-usapan sa nasabing pagpupulong ang mga aktibidad na gagawin mula Abril 28 hanggang Mayo 1, 2023.

Ang Love Boracay ay nagsimula noong 2019, dahil sa pakikipagtulungan ng Boracay Interagency Task Force at Boracay stakeholders bilang alternatibo sa LaBoracay, na nauugnay sa mga nonstop beach parties.

Binubuo ito ng serye ng mga aktibidad sa kapaligiran sa isla na nakasentro sa sustainability concept upang balansehin ang paglago ng turismo at pangangalaga sa kagandahan ng pamosong isla.