Connect with us

Aklan News

LOLO NA WANTED SA KASONG PANGGAGAHASA, ARESTADO

Published

on

Numancia – Arestado bandang alas 5:30 kaninang umaga sa Laguinbanwa East, Numancia ang isang lolo dahil sa kasong panggagahasa o rape.

Sa bisa ng warrant of arrest, inaresto ng Dao, Capiz PNP sa tulong na rin ng Numancia PNP at 605th Maritime Group ang akusadong si Juanito Buhat Sr., 64 anyos at residente ng Laguinbanwa, East, Numancia.


Nilagdaan at ibinaba ni Hon. Esperanza Isabel E. Poco Deslate, Presiding Judge RTC 6, Branch 14 Family Court Roxas City ang nasabing warrant of arrest na may criminal case number C-35-18 laban sa akusado na kaagad ikinustodiya ng mga taga Dao PNP station para sq karampatang disposisyon.

Walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *