Connect with us

Aklan News

LOLA PATAY MATAPOS MASAGASAAN NI DATING MAYOR ANTONG MAMING

Published

on

Binawian ng buhay ang isang lola matapos masagasaan ng Toyota Fortuner SUV na sasakyan sa Brgy.Linabuan, Norte, Kalibo, mga bandang 9:38 kaninang umaga.

Nakilala ang biktima na si Rosita Malihan Retentoy, 88 anyos residente ng nasabing lugar.


Base sa imbestigasyon ni PSSG.Joemar Ortega ng Kalibo Pnp, ang nasabing biktima ay nag lalakad patawid sa kalsada nang bigla siyang mabundol ng sasakyan na minamaneho ni dating Banga Mayor Antonio Tumaob Maming, 69 anyos at residente ng Subiaga suvd. Kalibo.

Lumalabas sa imbestigasyon na papuntang bayan ng Kalibo si Maming na aksidente nyang nabundol ang biktima.

Dinala sa Provincial hospital ang biktima ng nag respondeng Medical Team ng MDRRMO Makato at dineklarang patay na ng naturang ospital habang siya ay ginagamot.

Sa ngayun nasa kustodiya na ng Kalibo PNP si Maming pati na rin ang kanyang sasakyan na temporaryong hawak ng naturang police station.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *