Connect with us

Aklan News

LOLA NG 7-ANYOS NA BATANG BABAE NA SINAKSAK NG KATORSE ANYOS NA BINATILYO, NANAWAGAN NG HUSTISYA

Published

on

GUBATINA VS GUBATINA ADMIN CASE, INIREKOMENDANG I-ARCHIVE NG SP INVESTIGATING COMMITTEE

Sumisigaw ng hustisya ang lola ng batang babae na sinaksak ng katorse anyos na binatilyo sa Brgy. Cawayan, New Washington.

Lumabas kasi sa isinagawang autopsy examination sa bangkay ng pitong taong gulang na bata na tinangkang pagsamantalahan ito ng katorse anyos ng suspek.

Ayon sa lola ng biktima na base sa medico-legal, nakitaan ng ‘entry of penetration’ ang biktima ngunit walang nakuhang semen dito.

Base sa salaysay ng lola, maaaring natakot ang suspek dahil nang tangkain nitong gahasain ang biktima, nagkaroon ito ng laceration kaya nagising at sumigaw ng saklolo dahilanan na sinaksak niya ito.

Nawalan umano ng malay ang bata dahil sinakal ito ng suspek bago nito ginawa ang masamang balak habang tinututukan ng patalim.

Dagdag pa nito na lumabas sa autopsy examination result ng biktima na balak pang bulagin ng suspek ang 7 anyos na bata batay na rin sa nakitang pasa sa mga mata nito.

Pahayag pa ng lola na lubhang natamaan ang internal organs ng biktima sanhi ng pananaksak.

Magugunitang binawian ng buhay ang biktima habang nasa Intensive Care Unit (ICU) ng Aklan Provincial Hospital.