Connect with us

Aklan News

LIQUOR BAN SA AKLAN, TATANGGALIN NA BUKAS MAYO 16

Published

on

Tatanggalin na ang Liqour Ban sa probinsya ng Aklan simula bukas Mayo 16, 2020.

Ito ang ipinaabot ni Governor Joeben Miraflores sa naganap na teleconference ngayong araw.


Ayon sa kanya marami ang nag-hihintay sa bagong labas na Executive Order 25 ngayong nasa General Community Quarantine na ang Aklan.

Pahihintulutan umano ang pagtinda at pagbili ng alak subalit ipinagbabawal ang pag inom sa pampublikong lugar.

Maari lamang uminom sa loob ng bahay.

May posibilidad anya na limitahan lamang ang mga bibilhing alak sa mga tindahan.