Connect with us

Aklan News

LIMANG PISONG BAWAS PASAHE SA TRAYSIKEL SA KALIBO, MAAARI LAMANG SA MGA MAY APAT NA PASAHERO

Published

on

LIMANG PISONG BAWAS PASAHE SA TRAYSIKEL SA KALIBO, MAAARI LAMANG SA MGA MAY APAT NA PASAHERO
File Photo| Diadem Paderes/Radyo Todo Aklan

Maari lamang magbawas ng limang pisong pamasahe sa traysikel kapag ito’y may apat na pasahero at pumapasada sa mga interior barangay sa bayan ng Kalibo.

Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi ni Federation of Tricycle Operators and Drivers Association, Inc. o FOKTODAI president Johnny Damian na hindi nila maaabot ang inaasahan kita kung mananatili sila sa dalawa o tatlong pasahero at tatapyasan pa ng limang piso ang pasahe.

Aniya, ito ang napagkasunduan nila ng kanilang mga pasahero at kasamahang mga drivers.

Samantala, ang pamasahe naman sa traysikel na bumabiyahe sa Poblacion Kalibo ay nananatili pa rin sa sampung piso (P10) at susunod pa rin sa dati nilang taripa.

Pahayag pa ni Damian na nagsumite na sila ng kanilang petisyon sa Sangguniang Bayan ng Kalibo para sa fare adjustments.

Kaugnay nito, hinimok ng FOKTODAI president ang mga tricycle operator at driver sa Kalibo na suportahan hiling sa fare adjustments upang matulungan din ang mga commuter na makaahon dahil sa pandemya.

Magugunitang pansamantalang itinaas ang pamasahe sa traysikel sa Kalibo upang malabanan ang epekto ng pandemya at pagtaas ng presyo ng gasolina.

Sa kasalukuyan, pinapayagan ang mga traysikel na magsakay na apat na pasahero matapos isailalim ang probinsiya ng Aklan sa Alert Level 2 dahil sa bumababang kaso ng Covid-19.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *