Connect with us

Aklan News

Library ng ANHSAT, nasunog

Published

on

Nasunog bandang ala 1:30 kaninang madaling araw ang library ng ANHSAT o Aklan National Highschool of Arts and Trades sa Andagao, Kalibo.

Ayon kay FO2 Baldomero Imperial, fire investigator ng BFP Kalibo, tinatayang nasa P70,000.00 ang halaga ng pinsalang iniwan ng mga nasunog na libro, computer, mesa, at iba pang gamit doon.

Ayon pa kay Imperial, patuloy pa umano ang kanilang imbestigasyon kung saan nagsimula ang apoy na kaagad din umanong naapula ng mga guwardiya doon bago paman sila dumating.

Wala namang naiulat na nasugatan o nadamay sa insidente.