Connect with us

Aklan News

LGU KALIBO PASOK NA BILANG NATIONAL FINALIST SA MOST BUSINESS FRIENDLY LOCAL GOVERNMENT UNIT AWARDS NG PCCI

Published

on

Pasok na bilang isa sa mga National Finalists ng 2021 Most Business-Friendly Local Government Unit Awards sa buong Pilipinas ang lokal na gobyerno ng Kalibo na pinangungunahan ni Mayor Engineer Emerson S. Lachica ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).

Ayon kay Mayor Lachica na lubos siyang nagpapasalamat dahil nakapasok ang LGU Kalibo bilang finalist sa mahigit 3,500 na mga LGUs sa buong bansa.

Aniya, maituturing ng panalo ang mapasama pa lamang sa listahan ng mga finalist.

“…naging finalist eon kita, so meaning hay daog eon kita eagi,” pahayag ng alkalde.

Dagdag pa nito, sa darating na October 8, 2021 ay magkakaroon sila ng presentasyon kasama ang iba pang mga LGUs para sa Virtual Final Judging ng PCCI.

Kaugnay nito, nagpapasalamat din ang alkalde sa ‘collaborative effort’ aniya ng executive at legislative department at ng buong LGU Kalibo na maging finalist sa nasabing award.

Ang nabanggit na award ay nagpapakita ng mga istorya ng pagiging matagumpay ng bayan ng Kalibo at ang mga magagandang ginawa upang mabigyan solusyon at aksyon ang mga negatibong epekto sa sektor ng pananalapi lalo na ngayong pandemya.

Ipinahayag din ni Lachica na patuloy siya sa pagbibigay ng magandang serbisyo sa bayan ng Kalibo.

Maaalala na ang LGU Kalibo ay kinilala rin bilang finalist sa kaparehong award noong nagdaang taon.