Connect with us

Aklan News

LASING NAAKSIDENTE SA MOTOR, SUGATAN

Published

on

Kalibo – Sugatan ang isang lasing matapos maaksidente habang nagmomotorsiklo bandang alas 4:50 kahapon ng hapon sa New Buswang, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Jomar Piano De Mariano ng Ramos St., Poblacion, Lezo.


Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, papunta sana sa Poblacion, Kalibo ang biktima, subalit nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho pagdating sa hump sa harap mismo ng Camp Pastor Martelino dahil umano sa kanyang kalasingan.

Dahil dito, sumemplang sa kalsada ang biktima at nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.

Kaagad siyang dinala sa ospital habang impounded naman ang kanyang motorsiklo.

Samantala, nabatid na galing sa isang inuman ang biktima bago nangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *