Connect with us

Aklan News

LASING NA NAKIALAM SA PAGTATALO NG MAG-ASAWA, SINAKSAK

Published

on

Kalibo – Sugatan ang isang lasing matapos saksakin pasado alas 9:00 kagabi sa Purok 1 C. Laserna St., Poblacion, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Garry Panagsagan, 29 anyos, at ang suspek na si Reylon Dangcalan, 30 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.


Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nagtatalo umano sa loob ng kanilang bahay ang suspek at kanyang asawa nang makialam ang biktima, kung saan sinasabing
hinamon nito ng away ang suspek.

Lumabas naman umano ang suspek, subalit bigla naman itong sinuntok ng biktima sa ulo, rason na sinaksak siya ng suspek ng kutsilyo sa kaliwang dibdib.

Kaagad naman silang naawat ng kanilang mga kapit-bahay at naisugod sa ospital ang biktima.

Samantala, nasa kustodiya ngayon ng Kalibo PNP Station ang suspek na hawak na pala ni Kagawad Kim Melgarejo, na siya ring tumawag ng pulis.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek sa insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *