Connect with us

Aklan News

LASING NA NAGWALA, KALABOSO MATAPOS MAHULIHAN NG PATALIM

Published

on

Kalaboso ang inabot ng isang lasing matapos umanong mahulihan ng patalim ala 1:40 kaninang madaling araw matapos magwala sa labas ng isang bar.

Nakilala ang suspek na si Jesel Isuga, 33 anyos ng Bakhaw Sur, Kalibo.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, may 2 pang kainuman noon ang suspek, subali’t iniwan umano siya ng mga ito.

Kinalaunan, siningil na umano siya ng kanilang ininom, subali’t nagalit umano ito at nagwala, rason na minarapat itawag ng pulis.

Kaagad itong inaresto, at kinumpiska ang kanyang patalim, na sinasabing ginamit nito sa paghahamon ng away.

Samantala, nagtamo din ng sugat sa ulo at sakit ng katawan ang suspek matapos namang pagtulungan ng ilang kalalakihan sa lugar.

Sasampahan naman ng kasong paglabag sa BP6 o Batas Pambansa Bilang 6 at Omnibus Election Code ng COMELEC Gun Ban ang naturang suspek.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *