Connect with us

Aklan News

Lasing na motorista, sugatan matapos araruhin ang 2 nakaparadang motorsiklo

Published

on

File photo/Jun Cabesilla/Radyo Todo Aklan

Numancia, Aklan – Sugatan ang isang lasing na motorista matapos araruhin ang dalawang nakaparadang motorsiklo bandang alas 6:30 kagabi sa Laguinbanwa East, Numancia.

Subalit ayon sa Numancia PNP, walang anumang ID, o anumang pagkakakilanlan ang nasabing driver, maliban sa hindi na rin ito matanong pa ng mga rescuer dahil sa kalasingan.

Base naman sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, galing sa Kalibo papuntang Numancia ang tinatayang nasa 60 anyos na biktima nang mabangga nito ang dalawang motorsiklo na naka-parking sa gilid ng kalsada para bumili ng barbeque.

Dahil dito, nagtamo ng pinsala sa katawan ang biktima, habang napinsala rin ang mga motorsiklo nina Emilio San Jose at Ric Timothy Salas, pawang mga taga Laguinbanwa East, Numancia.

Samantala, sinabi pa ng Numancia PNP, na Rusi ang minamanehong motorsiklo ng biktima na nakasuot ng itim na short na pantulog at tshirt na kumbinasyon ng kulay orange sa itaas at itim sa ibabang bahagi.

Patuloy pang inaalam ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng nasabing biktima.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *