Connect with us

Aklan News

Lasing na motorista, naaksidente

Published

on

Photo| Bongbong Ricardo

Kalibo – Sugatan ang isang lasing na rider ng motorsiklo matapos maaksidente pasado alas 9:00 kagabi sa V. Andrade Road, Tigayon, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Rocel Magno, 46 anyos ng Purok 3, Bulwang, Numancia.


Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, aksidenteng nadulas ang motorsiklo rason ng kanyang pagkatumba.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa ulo at iba pang parte ng katawan ang biktima na kaagad namang dinala ng mga taga MDRRMO sa provincial hospital.

Napag-alamang pauwi na sana ang biktima nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *