Connect with us

Aklan News

LASING NA MOTORISTA, AKSIDENTENG BUMANGGA SA POSTE

Published

on

Image|Jireh Bob Paderes

Ibajay — Sugatan ang isang lasing na motorista matapos aksidenteng bumangga sa poste bandang alas 6:20 kagabi sa Naisud, Ibajay.

Nakilala ang biktimang si Christian Traje, 28 anyos na tubong Tagas, Tangalan at kasalukuyang residente ng Polo, Ibajay.


Base sa imbestigasyon ng Ibajay PNP, galing ang biktima sa birthday celebration ng kanyang ama, at lasing na umanong nagmaneho ng motorsiklo pauwi.

Subalit pinaniniwalaang lumagpas ito sa kurbadang kalsada dahil na rin umano sa madilim doon, maliban pa sa mabilis ang kanyang pagpapatakbo ng motorsiklo.

Resulta, bumangga siya sa poste at sumemplang, rason ng sugat niya sa ulo.

Kaagad umano siyang dinala sa Ibajay Hospital ni Kapitan Edgar Pelayo, gamit ang kanyang sasakyan, subalit inilipat kinalaunan sa isang ospital sa Kalibo.

Ayon pa sa Ibajay PNP, hindi na umano sana siya pauuwiin muna ng kanyang asawa sa kanilang bahay sa Polo, nang malamang lasing na siya at magmamaneho pa ng motorsiklo.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *