Categories: Aklan News

Lalaking wala ng buhay, natagpuan sa loob banyo sa Brgy. Andagao, Kalibo

Natagpuan ang katawan ng isang lalaki na walang buhay sa banyo sa Ilang-ilang Street, Barangay Andagao, Kalibo, kagabi ng alas 7:15, Oktobre 1.

Kinilala ang biktima na si Reynaldo Andrade, 55 anyos at residente ng nasabing lugar.

Base sa mga pulis, alas 7:21 nang makatanggap sila ng tawag galing sa Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ng barangay Andagao na humingi ng tulong.

Ayon kay Bryan Manzanero, ang nakakita sa katawan ng biktima, nagtaka umano ito kung bakit hindi parin lumalabas ng CR ang biktima dahil matagal na itong nasa CR. Tinatawag nila ito pero hindi sumasagot kaya nagpasya nalang silang pasukin ito.

Tumambad sa kanila ang katawan ng biktima na nakahandusay sa sahig at wala nang malay.

Agad nilang inilipat ang katawan sa sofa at dinala sa Aklan Provincial Hospital pero wala na itong buhay.

Iniimbestigahan pa ng mga kapulisan ang insidente.

 

Share
Mary Ann Solis

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo/Todo Magazine Years/background in Media works: 5 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

2 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

2 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

2 days ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

5 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

1 week ago