Connect with us

Aklan News

LALAKING UMAWAT SA AWAY-MAG-ASAWA, AKSIDENTENG NATAGA

Published

on

Numancia – Sugatan ang isang lalaki matapos aksidenteng nataga nang umawat sa away-mag-asawa alas 9:50 kagabi sa Laguinbanwa East, Numancia.

Nakilala ang biktimang si Danilo Sereno, 60 anyos, habang arestado naman ang suspek na si Aldren Patropes, 36 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng pulis, nagwala umano ang suspek sanhi ng pag-aaway nila ng kanyang asawa.

Umawat umano noon ang biktima, subalit aksidenteng tinamaan nang magwasiwas ng hawak niyang itak ang suspek.

Dahil dito, tinamaan sa kaliwang leeg ang biktima na kaagad namang dinala sa ospital.

Arestado naman at kasalukuyang nasa kustodiya ng Numancia PNP ang suspek, subalit sinabi naman ng Numancia PNP na hindi magsasampa ng kaso ang biktima laban sa kanya.

Narekober din ang patalim na ginamit ng suspek na sinasabing nasa impluwensiya umano ng alak nang mangyari ang krimen.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *