Connect with us

Aklan News

LALAKING TUMANGGI NA MALIGO SA ILOG, TINAGA NG KAINUMAN

Published

on

Kapwa humantong sa ospital ang dalawang magkaibigan na magkainuman matapos magtagaan ang mga ito kahapon sa Oyotorong St., Poblacion, Kalibo.

Kinilala ang mga suspek/biktima na sina Erroll Igcasenza, 30 anyos at si Ryan Arevalo, 28 anyos, parehong mga residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang dalawa dakong alas-2 kahapon nang yayain ni Igcasenza si Arevalo na maligo sa ilog.

Ngunit tumanggi si Arevalo na ikinagalit ni Igcasenza.

Dahil dito, agad na kumuha ng patalim si Igcasenza at tinaga si Arevalo na tumama sa likod at tiyan nito.

Gumanti ang biktima na kumuha rin ng patalim saka tinaga sa ulo at mga kamay ng suspek.

Taliwas ito sa naging pahayag ni Igcasenza sa panayam ng Radyo Todo na kung saan sinabi niya na inaya siya ni Arevalo na pumunta sa ilog para maghanap ng kaaway.

Narekober ng mga kapulisan ang 16 pulgadang patalim na ginamit ni Igcasenza at 21 pulgadang itak na ginamit naman ni Arevalo.