Connect with us

Aklan News

LALAKING SUBJECT SA SEARCH WARRANT, NAKUHAAN NG 3 KALIBRE NG BARIL

Published

on

Tatlong kalibre ng baril ang narekober ng mga Pulis matapos na isilbi ang search warrant sa isang bahay sa Sitio Hagdan Brgy. Yapak Boracay mga dakong alas 6:30 kaninang umaga.

Nakilala ang naaresto na si Gelito Bernaldo Manalo, 33 anyos, residente ng nasabing lugar.


Narekober sa bahay ng suspek ang isang shotgun, dalawang .38 revolver na may tig-limang bala.

Samantala, patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad ang isang gloc 9mm pistol na nakasaad sa search warrant.

Depensa ng suspek, iniwan lamang ang mga armas na ito sa kanya ng kanyang kaibigan may tatlong taon na ang nakalilipas matapos umanong i-take over ang kanilang lupa doon.

Aminado rin ang suspek na hindi na niya naisip pang i-surrender ang mga armas, at ipinabibenta pa nga umano sana sa kanya.

Isinagawa ang nasabing operation ng pinagsanib na pwersa ng 2nd Aklan Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni Pmaj Donnel P. Regis, Malay PNP, RID Maritime.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Act ang suspek.

Program/Beat: Reporter/Boracay
Years/background in Media works: 10 years
Why chose this profession: Passion
Principle in life: “Do what You Love...

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *