Categories: Aklan News

LALAKING NANGHAMON NG AWAY, SINAKSAK AT PINALO PA NG KAWAYAN

Tangalan – Patuloy pang ginagamot sa ospital ang isang lalaking sinaksak at pinalo pa umano ng kawayan alas 5:30 Lunes ng hapon sa Sitio Tanza, Pudiot, Tangalan.
Nakilala ang biktimang si Jimmy Flores, sa legal na edad, habang arestado naman ang suspek na si Jesse Baganosan, ‘alyas Paning’, 28 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.
Base sa imbestigasyon ng Tangalan PNP, nasa impluwensiya umano ng alak ang biktima nang sugurin nito sa kanyang bahay ang suspek at hinamon ng away.
Doon din umano lumabas ang suspek at sinaksak ang biktima na tinamaan sa kanyang kaliwang balikat.
Sinasabing hinampas pa umano ito ng suspek ng kawayan nang matumba sa lupa.
Kaagad tumakas ang suspek matapos ang insidente, habang isinugod sa pagamutan ang biktima.
Lumalabas pa sa imbestigasyon na may dati nang alitan ang dalawa, bago paman nangyari ang insidente.
Share
Malbert Dalida

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

9 hours ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

9 hours ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

9 hours ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

3 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

5 days ago